Kaibigan sa America!

Naisip ko lang... noong punta kasi namin dito sa America, lima kami, at madami kami galing sa isang agency. 

Since bagong salta sa ibang bansa, kami kami na din ang naging magkakaibigan.. instant friendship nga.. isang connection lang, ang agency..



Ang galing talaga mag adapt ng mga pinoy, iba level pag makipag ugnayan (tagalog na tagalog hehe);

kasi minsan ung boss ko dito sabi, magkakilala na ba kayo sa pinas, tanong nya sa akin tungkol sa bagong guro na galing sa ibang state na kakahire lang, sabi ko, hindi, now ko lang na meet hehe.. 

parang ang dating kasi palagi e matagal na kakilala... o siguro ako lang un hahaha...

Aba, nung Kinder ako na awardan ako na Most Friendly, hahaha... siguro ang daldal ko na noon pa man (mmmm, hanggang now pa din naman) hahahaha

So balik sa kwento, ayun kasi ung mga mapipili mong maging kaibigan dito sa America, sila na kasi ung tatayong pamilya mo e... kasi kayo kayo lang dito, wala ang mga tunay na kapamilya at kamag anak...

Dito pag sa trabaho, kahalubilo ko mga ibang lahi, since hindi na ako nagtuturo ngayon, mas madami na tao ang nakakasalamuha ko pero hanggang trabaho lang. 

Pag sa bahay na at weekends, mga pinoy na ulit mga kahalubilo, nakakangarag kasi na ibang lahi pa din.. parang nosebleed na.. hirap kaya mag translate ng ikwukwento sa English! hahaha

Bottomline:

Let's all cherish our friends, wherever we are.
Friends will come and go.
They will always have something to teach, they will always have something that we could learn from.
We may have good or bad experiences with them, we may even need to let them go to their own good or decide to choose to stick with the ones we are most comfortable with, but nonetheless, they have served their purpose or let us allow them to do so.
One day we will just realize that it was all for a reason.
Kakatuwa mga nagi naming kaibigan na hanggang ngayon limang taon na mula unang dating namin dito sa bansa na ito...  ay kaibigan pa din.. may kanya kanya lang buhay, kanya kanyang priorities, kanya kanyang preferences.. pero kaibigan pa din.

Dito sa America, hindi lang kayo basta kaibigan, salamat sa pagiging kapamilya.

visit me here too!

Note: This post may or may not contain ads and affiliate links. If you sign up using these links, I may earn a small commission at no extra cost to you. Thank you for supporting my blog!
Join our 
Teach-USA 
mailing list.
Be in the know.
Thank you for subscribing!