15 Interviews by Keith

I started my journey 4 years ago when I was watching Z nation in Netflix. 


Dito ako nabigyan ng idea na kung gusto mo mag travel sa iba't ibang states sa US you can do it using car/land transportation (salamat sa Zombies! haha). 


Ako po si Keith Angelo, Kate sa umaga, Andoy sa gabi. :)


Lumaki po ako ng walang nanay at NPA lagi kasi binigay ako ng tatay sa iba't ibang pamilya at nagwork bilang houseboy. 


Pangarap ko talagang maging isang pari ay este maging isang teacher at mag abroad kaya kinuha ko Sped at dahil sa pagsusumikap natapos ko ito.


One month after my graduation I got a job offer from one of the big universities sa Cebu. Four years after, I decided to apply sa public school at luckily nabigyan ng slot at naging public school teacher sa town namin.


Noon paman pinangarap ko na talaga mag abroad kaya nag hanap hanap ako sa social media kung paano mag apply at ayun, nakita ko si Maam Gemma Hilotin sa page ng Teach-USA! 


I started my process sa agency nila last 2019 at ginawa lahat ng process para makainterview na sa mga school districts sa US! 


Prayers, determination at positive mindset ang lagi nasa akin sa journey kong ito kaya kung hindi man palarin sa interview ito lagi nasa isip ko "kung para sa akin, sa akin in His perfect time". 


So, umabot sa 5 interviews , wala parin po hayyy kaluka pero laban parin po kaya nagpatuloy parin sa pagiging teacher sa pinas!


Eto na... dumating na ang 2020 at excited pa naman ako mag apply ulit pero nag start na ang pandemic (wahhhh) at walang job openings kaya nagpatuloy na naman as teacher sa pinas. 


Ayan na  2021 na ako'y tuwang tuwa ako at narinig ko na naman boses ni Maa'm Gemma na may job openings na sa iba't ibang states!


Nilakasan ko loob ko at hinanda pa yung pang malakasang attire ko para ready na sumabak sa mga interviews sa mga states na inaaplyan namin. 


Sa daming openings ng ibat ibang states dami ko din po inaaplyan at hindi ko inaasahan sunod sunod ang mga interviews ko hanggang umabot sa 15 interviews na! 


Natatawa po ako sa sarili kasi kung may icongratulate ni Ma'am Gemma sabi ko ay siya pala ang pinili pero ok lang sa akin kasi friend o batch lang namin. So ang beauty ni Kate pinahinga muna at nagdecide na mag Church visit sa Southern part ng Cebu! 


Lagi ko hiningi ni Lord na sana meron pa job openings kasi matatapos na naman ang 2021!


After ako nag explore sa iba't ibang church diretso ako sa Sanctuary ni Santa Rita (Saint of Impossible) humingi ako ng sign sa kanya at biglang nag pop up sa mind ko ang dalawang numbers na binigay nya #22 at #24, kaya sinabi ko sa kanya ito naba ang sign ko Saint Rita, kasi gusto ko naman po maka try na icongratulate sa Teach-USA page! 


Everytime may icongratulate mapapa "sana all" lang ako at sinabi sa sarili sana ako naman!


July 21,2021, 11pm at almost 12midnight na, nasa massage spa ako may biglang nag message sa akin sa email sabi "Mr Bacus, are you still interested to work in my school? Please let me know so i will give you recommendations!" 


OMG!!!!!!!  


Lord totoo ba ito? agad akong bumalik sa bahay at nag inform sa gc namin at saktong sakto 12am ng June 22,2021 I got the job offer na!!!!


It took us 3 months sa pag process ng visa namin (from June to Sept) kasi kami yung kauna-unahang J1 sa district namin at nadecline sa first visa sponsor namin. 


H1b sana i-offer nila sa amin pero nakaproceed na kami for our visa interview. Super blessed din po kami sa Batch 6 kasi hindi namin inakala na ung district ang mag fully pay sa visa namin kaya another tears of joy, blessings!


After I aced the visa interview excited na sana ako makatungtong sa US at makalipad kasi late na kami and it's already Sept 2021, pero nagpositive ako sa covid test at need pa mag quarantine for 14 days!


Grabi struggles ko sa Manila kasi I'm originally from Cebu at after napositive nagdecide ako mag hotel at doon mag quarantine. 


Sobrang gastos napo sa part ko hotel at budget sa kain. Binawasan ko na yung pera para pocket money ko sa US. After my quarantine period ready na naman for next test but sa ibang center, aba at positive na naman! nagrebook na ako ng ticket at mag rebook na naman? O Lord! Ito naba ang katapusan ng journey ko? 


Sabi ko sa sarili ko kung hindi ako mag 2nd opinion maiiwan na ako - kaya sa tulong ng friend ng nurse na cousin ko, pumunta ako sa malaking hospital sa Manila at iyak ng iyak pumunta doon bitbit ko ang rosary at maliit na image ni Senyor Santo Nino. 


Doon nagbabakasakali baka maka avail ng mas madaling result para makahabol sa flight ko sa next day! Kumapit lang ako sa kanya at sinabi sabay pag iyak Lord! hindi ako susuko, pangarap ko ito ikaw napo bahala sa situation ko. 12 midnight natapos ko ang test at nagbayad ng malaki para 5 hours lang ang result. 


Bago mag 5am gumising ako at hindi na mapakali! Para hindi ako "mabuang" sa kakaisip tinawagan ko kaibigan ko sa Cebu kinausap ko muna siya bago mag 5am pero biglang may nagpop-up message sa email ko - ang result. 


Sobrang kaba ko na binuksan ito while talking to my friend sa phone. Sabi ko sa kanya boss, baka ikaw swerti ko at negative result ito! Dahan dahan kong binasa pababa ang result at bigla akong sumigaw sa room ko sa hotel! "Lord!!! Salamat po!!! Nahirapan man ako pero binigay mo din po in your most perfect time!"


I'm happy and super blessed na nandito na ako sa USA kasama ang amazing Batch 6 Teach-USAsians!


Salamat, Lord!!!



-------

Find Keith in our Teach-USA YouTube - https://youtu.be/8yz_pQf3Rj8


3 comments:

  1. Nakaka inspire po ang story nyo. With feelings ko talagang binasa.Ito din ang mantra ko: "Kung para sa akin, para talaga sa akin" 🙏. With Gods perfect time and Blessings. Thank you so much for sharing your journey sir.🙏

    ReplyDelete
  2. Hope to meet you soon sir Keith... nkkbless ngyari sau sir wala tlgng imposible sa taong ngtitiwala sa Diyos

    ReplyDelete
  3. Nakaka inspire po talaga...

    ReplyDelete

Join our 
Teach-USA 
mailing list.
Be in the know.
Thank you for subscribing!